Ipinanukala ni Senator Francis Pangilinan na gawing regular ang mga kawani sa pamahalaan na tuloy-tuloy na naninilbihan sa loob ng limang taon kahit na walang civil service eligibility.

Binanggit ni Pangilinan na 1.4 milyon ang kawani ng gobyerno noong 2010 subalit 78,842 o 53.1 porsiyento sa kanila ay hindi regular na empleyado.

Sa kanyang Senate Bill No. 59 o Civil Service Eligibility Bill, gagawing regular ang mga kawani na limang taon nang nagtatrabaho sa pamahalaan. - Leonel Abasola

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal