Nahuli na ng mga tauhan ng Intelligence Division (ID) ang lalaking bumaril umano sa kanyang live-in partner at No. 10 most wanted sa ilegal na droga, nang matiyempuhan sa kanyang tinutuluyan sa Valenzuela City, nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Police Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela City Police, bukod sa No. 10 most wanted sa talaan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) si Joven Palileo, 33, residente ng No. 34, Gumamela St., Barangay Gen. T de Leon ng nasabing lungsod, nahaharap din umano si Palileo sa frustrated murder (criminal case No. 1622-V-15).

Ang suspek ang itinuturong bumaril sa kanyang live-in partner noong December 2015 at nagtago sa batas matapos ang insidente.

Sa panayam kay Police Chief Inspector Monchito G. Lusterio, head ng Intelligence, isang linggo rin nilang isinailalim sa under-surveillance ang suspek.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

“Sabi nung impormante namin, lumalapag daw itong si Joven sa kanilang bahay kaya may nagpaposte akong tao sa kanilang lugar,” ani Lusterio.

Dakong 3:00 ng hapon nitong Lunes, nakatanggap umano ng impormasyon si Lusterio na nasa bahay ang biktima.

Dala ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Lorenza R. Badios ng Regional Trial Court (RTC) Branch 171, nilusob ng mga pulis ang bahay ng suspek na nagresluta sa pagkakaaresto nito.

Bukod sa pending case nito, kinasuhan din si Palileo ng Sec. 11 of RA 9165 matapos makuha sa kanyang bulsa ang anim na heat sealed of transparent plastic sachet na may lamang shabu. (Orly L. Barcala)