Nagtala ng 18 puntos si Sam Abu Hijle, habang nag-ambag ng double-double 12 puntos at 11 rebound si Germy Mahinay upang pangunahan ang reigning champion San Beda College sa 97-72 paggapi sa College of St.Benilde kahapon, sa NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Hindi na kinailangan pang bumalik ng Fil-Jordanian na si Abu Hijle sa final canto kung saan nag-takeover ang mga kakamping sina Prince Etrata, Ry de la Rosa at Luke Sese para sa balanseng opensa ng San Beda.

Kumubra naman ng 18 puntos si Troy Malinlin para tumapos na topscorer sa Junior Blazers na nalaglag sa kanilang ikalawang kabiguan sa loob ng limang laban.

Nauna rito, umangat ang Letran Squires sa patas na barahang 3-3 matapos gapiin ang San Sebastian College Staglets, 80-73.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagposte ng double-double 20 puntos at 10 rebound si Kobe Monje, habang nagdagdag ng 12 puntos at walong rebound si Miguel Villanueva at double-double rin si Kurt Reyson na may tig-11 puntos at assist para giyahan ang tagumpay ng Squires.

Nanatili namang walang panalo ang Staglets na pinangunahan ni Jerico Isidro na may 13 puntos makaraan ang unang anim na laro. (Marivic Awitan)