Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

4 n.h. -- Tanduay vs Topstar

6 n.g. -- Blustar vs Racal

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Target ng Racal na makapasok sa top two patungo sa susunod na round ng 2016 PBA D League Foundation Cup.

“We know we have to be in the top two to get an advantage and the players know our situation,” ayon kay Tile Masters coach Caloy Garcia.

Tatangkain ng Tile Masters na maituloy ang nasabing misyon sa pagsagupa nila sa Blustar Detergent ngayon, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ayon kay Garcia ang twice-to-beat incentive para sa top two teams sa eliminations ay magbibigay sa kanila ng bentahe patungo sa finals.

“We can’t let others control our destiny so we just have to win as much games as we can,” aniya.

“They’re playing well din. I think after we beat them by 12, they beat Mindanao. So we know we can’t be complacent.”

Tatangkain ng Tile Masters na maduplika ang 122-60 panalo noong first round.

Sa unang laban, pupuntiryahin naman ng Tanduay ang makabalik sa kanilang winning ways sa pagtutuos nila ng Topstar ZC Mindanao sa ganap na 4:00 ng hapon.

Hangad makabangon ng Rhum Masters mula sa 108-95 kabiguan nila sa Phoenix noong Martes, habang ang Aguilas ay patuloy na maghahangad ng kanilang unang panalo. (Marivic Awitan)