LIPA CITY, Batangas - Pinaghihinalaang magnanakaw ang isang bangkay na natagpuan matapos makuryente sa loob ng isang farm sa Lipa City, Batangas.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking natagpuan sa loob ng San Leo Farm sa Barangay Inosluban sa lungsod.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 4:30 ng umaga nitong Hulyo 15 nang matagpuan ang biktima na nakahandusay malapit sa barracks.

May teorya ang pulisya na posibleng magnanakaw ng panabong na manok ang biktima, dahil sa mga sakong natagpuan malapit sa bangkay. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog