Junior New System copy

MULING nag-uwi ng karangalan ang teen dance group na Junior New System sa pagkakapanalo sa 2016 World Championship of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Long Beach California, Hulyo 8 hanggang 17.

Ipinakita ng grupo ang kahusayan nila sa pagsasayaw sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagkilos, paggamit ng tricks at tumbling, at, ang pinakakilalang ginagawa nila, ang pagsusuot ng heels.

Pinarangalan din ng WCOPA ang grupo bilang 2016 Senior Grand Champion Performer of the World, na unang nakuha ni Jed Madela noong 2003, nang talunin nila ang iba pang mahuhusay na kalahok.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Bukod dito, pinarangalan din sila bilang 2016 Champion Dance Group of the World.

Ipinost ng Junior New System ang video ng kanilang sayaw sa official Facebook page nila at umani ito ng papuri.

Mayroon na kaagad itong 26,000 views bago pa man nag-24 oras sa social media.

Naging maingay din ang pangalan ng teen dance group noong nakaraang taon nang makasama sila sa siyam na finalists sa pan-Asian regional talent search na Asia’s Got Talent. (HELEN WONG at LORENZO JOSE NICOLAS)