Pinatay sa pagkakatulog ang isang ginang nang pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang suspek sa sarili nitong tahanan sa Caloocan City, nitong Linggo ng madaling araw.

Dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center si Eleonor Ferrer-Nacion, 39, ng Riverside, Libis, Baesa, Barangay 160, Caloocan City, sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Ayon sa report, dakong 1:30 ng madaling araw, nagpapahinga na si Nacion matapos isara ang kanyang tindahan.

Biglang pumasok sa bahay ng biktima ang tatlong lalaki na nakatakip ang mga mukha at pinagbabaril ng isa sa mga suspek ang ginang at agad na nagsitakas.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Mismong mister ng biktima na si “Michael” ang nagsugod sa ospital, ngunit hindi na umabot pa.

Bago ang pamamaril, isinuko ni Nacion ang sarili sa mga pulis kaugnay sa programa ng mga pulis na “oplan tokhang”.

Ang Libis Baesa, Bgy. 160 umano ang pinagkukunan ng mga drug pusher ng shabu na ibinenta sa Independence Street, Bgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City ng drug pusher na si “Jonathan”. (Orly L. Barcala)