GUIMBA, Nueva Ecija - Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaking lulan sa isang skeletal Racal motorcycle na nasawi makaraang makipagbarilan sa mga tumatao sa checkpoint sa Barangay San Rafael sa bayang ito, nitong Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Insp. Wilson Kimmayong, team leader ng PPSC-PNP-AFP Action Center sa Bgy. Casongsong, nagsasagawa sila ng anti-criminality checkpoint sa lugar nang isang motorsiklo ang paparating mula sa Guimba-Pura Road, at nang malapit na sa checkpoint ay bumunot ng baril ang sakay nito at pinagbabaril umano sila kaya napilitan silang gumanti at tinamaan ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dakong 12:17 ng madaling araw nang mangyari ang engkuwentro, ayon kay PO2 Jay-Ar F. Silao.

Nakarekober ang Scene of the Crime Operations (SOCO) ng anim na basyo ng M-16, apat na basyo ng .38 caliber pistol, isang basyo ng .357 caliber, 11 plastic sachet ng shabu, at drug paraphernalia. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog