Tatlumpung katao ang nasugatan sa naganap na karambola ng anim na sasakyan sa Epifanio delos Santos Avenue (Edsa)-Ayala sa Makati City kahapon ng umaga.

Sangkot sa banggaan ang tatlong bus na kinabibilangan ng Pascual bus na may plakang TXH 325; Genesis TXJ 105; at HM UYC 218; isang closed ban na may plakang NIV 265; taxi cab na may plakang UVG 218 at isang motorsiko.

Ang insidente ay naganap sa Edsa-Ayala northbound dakong 10:41 ng umaga, samantala isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatan.

Sa paunang imbestigasyon ni PO3 Jaime Orante, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng Pascual bus nang mawalan ito ng preno hanggang madamay ang lima pang mga sasakyan. (Anna Liza Villas-Alavaren)

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review