NUEVA ECIJA - Dalawang katao na sinasabing nasa talaan ng drug personalities ang napatay sa magkahiwalay na pamamaril sa probinsiyang ito, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang mga napaslang na sina Narciso Villa, 45, kagawad ng Barangay Bunol, Guimba; at Alvin Castillo, 29, truck driver, ng Bgy. Sta. Cruz, Quezon, Nueva Ecija.

Base sa ulat na nakarating kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, tinambangan at napatay si Villa sa Guimba-Baloc Road sa Bgy. Bunol, nitong Hulyo 13.

Pinagbabaril naman si Castillo ng motorcycle riding-in-tandem sa kanyang bahay sa Purok 7, Bgy. Sta. Clara sa Quezon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Light A. Nolasco)