Dalawang bata ang namatay matapos matabunan ng gumuhong lupa mula sa gilid ng Cagayan River sa Naguillian, Isabela, sinabi ng pulisya kahapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Mark Justin Orpinia at Rose Ann Aguinaldo, kapwa anim na taong gulang at Grade 1 pupil, at naninirahan sa Barangay Palattao, Naguillian, Isabela.

Nabatid sa imbestigasyon Naguillian Municipal Police na huling nakita ang mga biktima nitong Biyernes habang naglalaro sa gilid ng Cagayan River, sa ilalim ng tulay ng Naguillian, samantala naglalaba naman ang kanilang ina.

Nagkagulo ang iba pang mga bata makaraang gumuho ang lupa sa gilid ng Cagayan River.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nailigtas pa ng isang ginang ang kanyang anak na kalaro nina Orpinia at Aguinaldo, pero wala nang buhay nang natagpuan ang dalawa na tuluyang natabunan ng lupa.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente.