NICE, France (AP) — Pinakikilos ngayon ng pamahalaan ng France ang libong reserve security forces, habang inaalam naman ng awtoridad dito kung ano ang nagbunsod sa isang Tunisian delivery man na nasangkot lang sa petty crimes, para sagasaan ang mahigit na 300 katao sa Nice.
Si Mohamed Bouhlel, 31, ang sinasabing drayber ng 19-ton truck na umatake sa madaming taong dumalo sa Bastille Day, kung saan 84 ang agad na namatay at halos 200 ang nasugatan.
Sa pangyayari, idineklara ni President Francois Hollande ang state of emergency na tatagal hanggang tatlong buwan.
Pakikilusin ang 25,000 reservists ng France na kinabibilangan ng mga dating militar at security forces upang bantayan ang kanilang border.
Sinabi ni Hollande na ang pangyayari ay hindi maikakailang “terrorist in nature”, gayunpaman sinabi ng prosecutors na ang salarin ay hindi kilala sa intelligence services at nasangkot lang sa maliliit na krimen tulad ng pagnanakaw, vandalism at violent conduct.
“Bouhlel was totally unknown to intelligence services ... and was never placed on a watch list for radicalization,” ayon kay Molins.
Ayon sa ama ng salarin na nasa Tunisia, si Bouhlel ay isang “depressed man” na gumagamit ng prescription medication upang kumalma tuwing nagagalit. Hindi rin umano ito religious, hindi nagdadasal at hindi nagpa-fasting kapag idinaraos ang Ramadan o holy month ng Muslim. Lagi rin umano itong nag-iisa.
Ang France ay sinasabing pangunahing Islamic State target, samantala “biggest source” din umano ito ng European recruit para sa IS. Sinasabing mahigit 1,000 recruit ang lumalaban na ngayon sa Syria at Iraq. (AP)