160716_DUTERTE_LIM_01_photo for page 2 banner story copy

DAVAO CITY – Sumuko kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tinaguriang big time drug lord, sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nagharap sina Duterte at Peter Lim, isa sa tatlong negosyanteng pinangalanan ng Pangulo na umano’y big time drug lord, na itinanggi naman ng huli.

“I will advise you strongly na mag-submit ka sa investigation,” utos ni Duterte sa Cebuano businessman, nang itanggi ni Lim na siya ang ‘Peter Lim’ na sinasabing drug lord.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We want to help you, help us clear you…pero drug lord, talagang mainit ako,” sinabi ni Duterte kay Lim.

Sinabi naman ni PDEA Director Isidro Lapeña na pinayuhan umano ng Pangulo si Lim na kumuha ng abogado at linisin ang kanyang pangalan sa National Bureau of Investigation (NBI), kung talagang hindi siya drug lord.

“There is no specific instruction but the President told him to have his case probed,” ayon pa kay Lapeña.

Sa pagsuko ni Lim kay Pangulong Duterte, nangako ang una na makikipagtulungan sa gobyerno.

Sa video na ipinalabas ng RTVM, sinabi ni Lim sa Pangulo na “I could clear up everything because my family is really in deep problem now in Cebu. In any way, I will help, in all my ways I can.”

Si Lim ay hindi umano ikinulong, ayon naman kay PDEA Regional Director, at pinayagan itong bumalik sa Cebu.

Sa report, inamin ni Lim kay Duterte na inimbestigahan na siya sa Kongreso noong 1997 at 2001 dahil sa alegasyong sangkot ito sa illegal drug trade.

Sa iba pang ulat, inihayag naman ni Lapeña na nagsumite na rin ng mahabang listahan ng drug personalities sa PDEA ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“It’s a good thing that the MILF is willing to help. Mas mahaba nga ang listahan na ibinigay nila,” ani Lapeña.