Handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 25, 2016.

Ayon kay Police Chief Supt. Oscar D. Albayalde, acting NCRPO chief, kaakibat ng kahandaan ng kanilang hanay ang pagkilala sa karapatang pantao, kung saan inatasan nito ang lahat ng district directors, chief of police at station commanders na magpatupad ng maximum security.

Habang naghahanda ng seguridad para sa SONA, ang NCRPO ay nagdaraos din ng taunang Civil Disturbance Management (CDM) Competition sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila.

Sinabi ni Albayalde na ang CDM contingents ng limang police districts at Regional Public Safety Battalion (RPSB) ay magpapakita ng lakas sa larangan ng kahandaan at kompetensya sa pagbibigay ng seguridad para sa SONA.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

(Francis T. Wakefield)