Cast ng People v. O.J. Simpson copy

DOMINADO ng The People v. O.J. Simpson: American Crime Story, ang TV mini-series na tumatalakay sa racial tension na nagpahirap sa criminal justice system sa loob ng 20 taon bago ang kampanyang ‘Black Lives Matter’, ang nominasyon sa Primetime Emmy nitong Miyerkules, kasama ang medieval fantasy ng HBO na Game of Thrones.

Nagkamit ng 22 nominasyon ang 10-parts drama ng basic-cable channel na FX na nagsasalaysay ng kahindik-hindik na pagdinig sa kasong murder ni O. J. Simpson noong 1995, kasama ang best limited series at best actor kay Cuba Gooding Jr. para sa kanyang pagganap bilang disgraced former football star.

Ipinapakita ng The People v. O.J. ang pagdinig sa kaso ni Simpson sa paningin ng racial politics na nakakaapekto sa bansa nang kumalat ang isang video tape na nagpapakita ng pambubugbog kay King Rodney ng mga puting pulis sa Los Angeles.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nanguna naman ang Game of Thrones sa mga kalaban nito na may kabuuang 23 nominasyon, kasama muli ang Best Drama Series, na naipanalo nila noong nakaraang taon, dalawang Best Supporting Actor at tatlong Best Supporting Actress.

Ang patok na palabas, na base sa fantasy novel series ni George R.R. Martin na A Song of Ice and Fire, ay hinirang na outstanding drama series nang nakaraan na Emmy Awards.

Magkakalaban sa best drama ang mga palabas na Homeland ang CIA thriller ng Showtime, Cold War espionage saga ng FX, The Americans, ang kakaibang legal story ng AMC na Better Call Saul, ang political mystery ng Netflix na House of Cards, ang final season ng PBS na Downtown Abbey, at ang Mr. Robot.

Ihahayag ang mga mananalo sa Emmy Awards sa Setyembre 18 sa Los Angeles, na pinagbotohan ng higit na 20,000 miyembro ng Academy of Television Arts & Sciences. (Reuters) (Isinalin ni Christiamarie Lugares)