TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Isang bagong halal na konsehal na nagmula sa kilalang pamilya ng mga pulitiko sa Maguindanao ang nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, na lulan sa motorsiklo, sa bahagi ng Purok San Josen sa Barangay New Isabela sa lungsod na ito, Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo at likod si King Rauff Mangudadatu, 21, halal na konsehal ng Pandag, Maguindanao.

Ayon sa pulisya, sakay si Mangudadatu sa kanyang motorsiklo nang mangyari ang insidente, at narekober sa mismong bangkay niya ang 18 pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog