CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang 36-anyos na ama ang naaresto ng mga nagpapatrulyang operatiba ng Baliwag Municipal Police matapos niyang halayin ang 11-anyos niyang anak sa loob ng kanilang bahay sa Baliwag, Bulacan.

Kinilala ni Senior Supt. Romeo M. Caramat, Jr., acting director ng Bulacan Police Provincial Office, ang naaresto na si Exan Rasamala, 36, walang trabaho.

Ayon sa report ni Supt. Froilan Uy, officer-in-charge ng Baliwag Municipal Police, dakong 8:30 ng gabi nitong Lunes nang utusan ni Rasamala ang dalagitang anak na pumasok sa banyo bago sinundan ito at hinalay doon.

Matapos ang panggagahasa, sinaktan pa umano ng suspek ang biktima at ang isa pa niyang anak na babae, edad sampu, upang itago ang insidente.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Madaling araw kinabukasan ay ini-report ng magkapatid, kasama ang kanilang ina, sa pulisya ang insidente. (Franco G. Regala)