Makikipaghatawan ang Philippine Blu Girls kontra sa mas matataas na karibal sa World Cup of Softball XI sa Hulyo 5-10, sa ASA Hall of Fame Complex sa Oklahoma City.

Ang Blu Girls, kasalukuyang nasa ika-23rd sa world ranking, ay sasagupa sa No. 2 USA, No. 3 Australia, No. 6 China, No. 7 The Netherlands, No. 11 Puerto Rico at ang No. 19 Venezuela sa Pool A ng torneo na lalahukan ng 12 bansa.

Magkakasama sa Pool B ang top-ranked at kasalukuyang world champion Japan, No. 4 Canada, No. 8 New Zealand, No. 10 Czech Republic, No. 14 Mexico, at ang USA Elite.

Sasabak ang Fil-Ams na sina Gabrielle Maurice, Dani Gilmore, Chelsea Suitos, Sierra Lange at Garie Blando kasama ang mga Philippines-based na sina Riflayca Basa, Analie Benjamen, Angeli Ursabia, Floriabele Pabiana, Mary Kuisse Garde, Cristy Joy Roa, Dione Macasu, Rizza Bernardino, Kriska Piad, Mary Ann Antolihao, Franchesca Altamonte, Arianne Vallestero, Celestine Palma, Roxzell Niloban, at Lorna Adorable para sa Blu Girls.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Unang makakaharap ng Pinay ang host USA sa Hulyo  5 bago harapin ang China at Puerto Rico sa Hulyo 7.

Ayon sa Amateur Softball Association of the Philippines, ang paglahok sa World Cup of Softball ang bahagi ng paghahanda ng bansa para sa 2020 Tokyo Olympics kung saan lalaruin ang softball at baseball.

Matapos ang torneo sa Oklahoma, ang Blu Girls ay magtutungo sa Canada upang lumahok sa 2016 Women’s Softball World Championship sa Hulyo 15-24. - Angie Oredo