Para maharang ang mga ilegal na transaksiyon ng mga drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, papalitan ng Department of Justice (DoJ) ang mga signal jammer sa pasilidad.

Ayon kay Justice Secretary Vitalliano Aguirre, nakahanap na sila ng donor para sa P10 milyong halaga ng high-tech na signal jammer na manggagaling pa sa Israel.

Base sa kanilang impormasyon, 75 percent ng shabu na ibinebenta sa bansa ay niluto sa loob ng NBP.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagagawang maipakalat ang shabu sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil nakagagamit ang mga drug lord gamit ang cell phone sa loob ng NBP at sa tulong rin ng mga signal booster.

Pero ang booster na planong ipalit ay hindi kayang tapatan ng mga booster na gamit ng mga drug lord.

Dahil dito, mahihirapan na ang mga drug lord na gumamit ng cell phone upang ma-contact ang mga drug dealer sa labas ng piitan.

Sinabi pa ni Aguirre na magtatalaga siya ng 300 tauhan ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) sa loob ng NBP at ito ay kanyang irerekomenda kay retired Maj. Gen. Alexander Balutan na uupong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor). (Beth Camia)