Isinusulong ng bagong Department of Tourism (DOT) secretary na idaos sa Pilipinas ang Miss Universe 2017.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Corazon Teo, nakipagpulong na siya kay Miss Universe Organization President Paula Shugart.

“But I have to get the approval of the President first,” sambit ni Teo.

Ayon kay Teo, malaking tulong sa turismo ng bansa kapag dito isinagawa ang Miss Universe pageant.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Aniya, sakaling maaprubahan ay isasagawa ang Miss Universe sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas.

(Charina Clarisse L. Echaluce)