ASAP Birit Queens Jona Angeline Klarise at Morissette copy

MAGBIBIGAY-PUGAY sa Original Pinoy Music (OPM) ang ASAP simula ngayong tanghali sa bagong segment na “ASAPinoy”, live from Resorts World Manila.

Iba’t ibang tema buwan-buwan ang mapapanood sa “ASAPinoy” na sisimulan ngayong Hulyo ni Gary Valenciano bilang tribute kay Maestro Ryan Cayabyab.

Kasama rin sa bibigyan ng OPM tribute sina Louie Ocampo, Willy Cruz at George Canseco.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Bukod sa “ASAPinoy” segment, linggu-linggo ring inaabangan ang “ASAP Birit Queens” na binubuo nina Jona Viray, Morissette Amon, Klarisse de Guzman at Angeline Quinto, ang “ASAP Soul Sessions” nina KZ Tandingan, Kyla, Daryl Ong, Jason Dy at Jay-R, at ang segment ni Jolina Magdangal na “ASAP LSS” o “Love Songs and Stories”.

Sa presscon ng ASAP, na 21 years na palang umeere at ilang programa na rin ang tumapat at gumaya pero hindi pa rin matularan, natanong ang mga mainstays nito kung nasaan sila noong unang umere ang programa.

Unang sumagot si Erik Santos: “Estudyante po ako noon ng high school, day one pa lang po ng ASAP, big fan po ako.

Naalala ko po, noong college na ako, nag-absent ako ng ROTC para lang makapanood po ng episode ng ASAP.”

Si Jason Dy na limang taon noon: “Ako po, fan din po ako ng ASAP kahit po ‘yung mga replay sa Jeepney TV, napapanood ko po ‘yung lumang episodes, sina Sir Martin (Nievera), Sir Gary, si Ms. Pops (Fernandez), si Ms. Dayanarra Torres pa na sumasayaw noon, kasi kantahan po every Sunday. Ini-schedule pa nga ng pamilya namin na every Sunday, kailangan maaga kaming magsimba para by lunch time, makauwi na po kami.”

“Five years old po kasi ako noon, hindi pa po ‘ata ako marunong manood ng TV kasi nasa kalye ako, so ‘yung time na ‘yun, hindi pa po ako kumakanta, six years old po ako nag-umpisang kumanta-kanta,” kuwento naman ni Angeline.

Klarisse: “Ako po 3 years old pa lang ako noon, hindi ko pa po napapanoo, siguro Bananas and Pajamas pa lang noon, pero nu’ng natuto na po ako manood, parati na po akong nanonood ng ASAP ‘pag lunch. Ang sarap po kumain ng lunch habang nanonood ka ng ASAP at napapanood ko ‘yung mga idols ko na ngayon ay kasama ko na.”

Tawanan ang lahat nu’ng turn na ni Jona kasi nga naman galing siya sa SOP ng GMA-7.

“Five years old po ako noon, Sanlinggo nAPO Sila pa noong time na ‘yun. Siyempre po, wala pa akong masyadong kamalayan na dito ako rin pala ako mapupunta after 21 years, very happy po.”

Nang tanungin kung pinapanood din ba niya noon ang ASAP kahit nasa kabilang network siya, “Sumi-segue po, dalawa po TV sa backstage, ‘pag may time po na hindi kami nakakapag-live noon sa SOP, ‘yun nakakapaglipat po kami ng channel at nakakapanood ng ASAP.”

Hiniritan ulit ng tanong si Jona kung ano ang pakiramdam na nanonood siya ng ASAP na inilalampaso sa ratings ang katapat nito, magaling sumagot ang dalagang singer, “Ay, malakas po ang SOP that time,” sabay tawanan ang lahat.

Salo ni Erik at nagkatawanan na naman, “Oo, malakas noon ang SOP, pero nu’ng dumating na ang Champions (Erik, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Mark Bautista at Rachel Ann Go), wala na, nabawi na namin.”

Na-hot seat si Jona pero kaagad naman siyang sinalo ni Gary V. “Regardless of where she came from, look what she is now.” At nagpasalamat naman ang dalaga.

Kuwento naman ni Yeng: “Pareho kami ni Angge na 6 years old pa lang ako noon, parang wala rin kaming ulirat sa TV, nu’ng una ‘kong nanood ng ASAP, parang hinati kasi may mga teenagers na sumasayaw.”

At si Kyla na galing din ng SOP: “Bago po ako nag-SOP dati, madalas po ako sa ASAP, dito rin ako nag-launch ng first album ko na Hanggang Ngayon sa ASAP po ‘yun, nag-round trip lang pala ako.”

Si Gary V ang natanong tungkol naman sa journey ng ASAP na kung minsan ay bumababa ang ratings at nagkaroon ng changes sa hosts at iba pa.

“Every show that we have maliban sa suot natin which is very colorful, maliban sa mga music natin vary from one kind of genre to the next, it’s been powerful, it’s been eventful, sometimes uncertain but that’s really what the industry all about.

“If you take out ASAP, all our careers would be like that, sometimes it’s okay, and sometimes it’s not. But the nice things about it is every once in a while we have like a session where all the artists and staff gather together, we have activities that teach us to trust each other, trust each other’s decision and to find reinforce division behind what ASAP is supposed to be. And I think, we accomplished all these things.

“At times it works, but people look for something else, so we try and cater to what they want and then we give it to them, it works and after a while, it’s fade away and we give something else.

“And for the fact, the fact that ASAP has been around for 21 years, they’re must be doing something right for the past 21 years to make us look forward for the next 20 years.”

Samantala, sinulat namin ilang buwan na ang nakalilipas na bumaba ang ratings ng ASAP nang magpalit ng konsepto ang katapat nilang programa kaya nagpalit din ng batang hosts ang programa na kinabibilangan nina Sarah, Toni Gonzaga, Luis Manzano at Piolo Pascual at ang mga pioneer na sina Gary, Martin at Zsa Zsa Padilla ay nawala na. Tinanong din si Gary tungkol dito.

“Actually, I want to correct that when Martin at Pops time, wala pa ako noon sa ASAP, I only joined ASAP in 2004-2005. At that point, ASAP was 10 years na. I was very honest sa ASAP at sa ABS, sinabi ko na if my role is not as much needed na, I don’t mind appearing less so the others would also be given more exposures. Kasi kung ako apektado, lalo naman ‘yung mga baguhan. So, I actually offered that, and so I only appeared twice a month in ASAP.

“For me, it’s a good change and it’s something fresh, it’s something new, hindi lang ‘yung sinipa na lang kami nina Martin and Zsa Zsa na hindi na kami kailangan. Because they never express na hindi na kami kailangan, they just said, we just need a change, mabuti naman na Martin and myself and Zsa Zsa have all agreed.”

Sayang at wala sa presscon sina Toni, Sarah, Piolo at Luis para natanong naman sana kung ano ang pakiramdam nila ngayong sila ang mukha ng pagbabago ng ASAP. (Reggee Bonoan)