KANYA-KANYANG interpretation ang followers ni Kris Aquino sa post niya sa social media na “I’LL BE BACK.” Ang reaction ng karamihan ng followers niya sa Instagram, babalik na siya sa TV.

Ang request ngayon ng followers ni Kris ay huwag siyang lumipat sa GMA-7 at huwag iwanan ang ABS-CBN. Wala pa ring comment si Kris dito, kaya tuloy ang panawagan ng fans na manatili siya sa Kapamilya Network.

Samantala, marami ang natuwa sa mga nakapanood sa guesting ni Kris sa Yan Ang Morning. May nag-comnent ng, “Masarap talagang panoorin si Ms. Kris, ‘pag ini-interview, parating me sense mga sinasabi. Madami kang matututunan.”

Ang isa pang comment, “You’re 1 of a kind! Ikaw lang talaga ang Queen of Talk Shows. We miss you u and we’re excited sa pagbabalik mo.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May nabasa pa kaming comnent na, “Aliw na aliw kami sa ‘yo. ‘Yung antics, jokes, mannerism. Very Kris Aquino pa din.

Balik ka na sa morning talk show.”

Ito ang isa pang post ni Kris na marami ang nag-react: “3 Things To Keep Private: 1. Love Life 2. Bank Account 3.

Next Move.”

Sa post na ito ni Kris, may mga naniniwalang in love si Kris pero hindi natin malalaman dahil pananatilihin niyang private. (NITZ MIRALLES)