MARAMI ang naintriga sa isa sa Instagram posts ni Kris Aquino na parang nagpapahiwatig na handa na siyang umibig muli.

“I started my journey to wellness because of my hypertensive scare 10 months ago. I lessened my work hours, became more conscious of the food I’m consuming & for most of 2016 I’ve been good about walking as my choice of daily exercise. #goodformyheart (kailangan alagaan para ready to love & be loved). Sorry, ang corny ko.”

Nagtatanong at nagkakatanungan tuloy ang followers ni Kris kung in love na uli siya at kung kanino siya in love.

Hindi nga lang sila sinagot ni Kris.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, this Friday, July 1, na ang airing ng guesting ni Kris sa Yan Ang Morning show ni Marian Rivera. (Na-preempt ng inauguration kahapon.)

Maganda ang pagsasama ng dalawa dahil tinuruan ni Kris si Marian ng pagluluto at ipinakita naman ni Marian kay Kris kung paano mag-flower arrangement.

“It was a pleasure for me to honor my commitment to @dongdantes & @therealmarian to tape my guesting for Yan Ang Morning. Thank you to everybody who made me feel so comfortable & welcomed me w/ so much warmth.”

Dumating din si Dingdong Dantes sa taping at tumulong kay Marian sa pag-entertain kay Kris. (NITZ MIRALLES)