Gary Valenciano 1 copy

NAGBABALIK si Gary Valenciano para sa isang sariwa at bagong pagtatanghal ng kanyang critically acclaimed at smash hit concert franchise na Gary V Presents…, na magaganap sa pagkakataong ito sa Kia Theater sa Araneta Center, Cubao, Quezon City sa Hulyo 15 at 16.

Ito ang ikatlo at pinakahihintay na installment ng Gary V Presents…, na nakaroon ng matagumpay na maiden run sa Resorts World Manila noong nakaraang taon.

Sa direksyon ni Gary at ng kanyang anak na si Paolo Valenciano at sa musical direction ni Mon Faustino, must-see musical extravaganza ang Gary V Presents… dahil tampok dito ang personal choice ni Gary ng bagong artists, na kinabibilangan ng The X-Factor Philippines season one top finalist na si Allan Silonga ng all-male vocal group na Daddy’s Home; world music singer na si Bullet Dumas; award-winning theater actress na si Carla Guevara-Laforteza; ang mahuhusay na mang-aawit ng The Voice Of The Philippines gaya ng season one grand winner na si Mitoy Yonting, season one grand finalist na si Janice Javier, season one finalist na si RJ Dela Fuente, at season two finalist na si Timmy Pavino; Star In A Million season two grand finalist at R&B singer na si Jimmy Marquez; award-winning recording artist at singer-songwriter na si Kiana Valenciano; at suklay diva at Internet sensation na si Katrina Velarde at classical-pop singer na si Lara Maigue na parehong nagbida sa ng top-rating TV series ng TV-5 na Trenderas. Ang singer-songwriter naman na si Abby Asistio ang magsisilbing opening act ng konsiyerto.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kilala ang artists na ito sa kanilang exceptional artistry at sa respective musical genre na kanilang kinakatawan.

Marami sa kanila ang sumikat nang maging bahagi ng iba’t ibang talent competitions sa telebisyon. Pinili sila ni Gary upang maging bahagi ng concert dahil sa kanilang achievements bilang solo artists kaya rin mabilis silang nakikila sa larangan ng recording, live shows at local bar circuits, teatro, at telebisyon.

Itatanghal ng kamangha-manghang repertoire ang well-loved hits ni Garyat pati na rin ang mga awitin na kanyang pinasikat sa nakalipas na 33 taon. Bawat awitin ay inareglo upang i-highlight ang respective genres ng bawat artist sa kanilang spot numbers at pati na rin ang kanilang mga production numbers kasama si Gary.

“Kailangan ninyong mapanood itong concert na ito. Punung-puno ito ng pagmamahal at teamwork,” sabi ng multi-awarded na si Gary V. “Maligaya at excited akong makipag-reunite sa mahuhusay na artists na ito at hindi na kami mapaghintay na madala ang show na ito sa Kia Theater.”

Ang Gary V Presents… ay para sa benefit ng scholarship at diabetes programs ng Shining Light Foundation Inc.

Available na ang tickets sa Ticketworld. Para sa mga karagdagang detalye, bisitahin ang www.garyv.com, i-like ang GaryValencinaoOfficial sa Facebook, sundan si Gary sa Twitter (@garyvalenciano1), Instagram (@therealgaryv), at YouTube (Gary Valenciano/Gary V TV); i-like ang ManilaGenesisEM sa Facebook, at sundan ang Manila Genesis sa Twitter (@manila_genesis), Instagram (@manilagenesis), at YouTube (Manila Genesis TV).