NU players celebrates after scoring against UP  during the 13th Season of Shakey's V League Open Conference at the PhilSports Arena in Pasig CIty on Saturday. MB PHOTO / KEVIN DELA CRUZ

Mga laro ngayon (PhilSports Arena)

1 n.h. -- Air Force vs IEM

4 n.h -- UP vs Laoag

6:30 n.g. -- Pocari vs Air Force

Kahayupan (Pets)

Philippine deer, muling namataan sa Marinduque!

Nakataya ang huling silya para sa semifinals sa krusyal na laro sa pagitan ng University of the Philippines at Laoag ngayon, sa Shakey’s V-League Season 13 Open Conference sa San Juan Arena.

Magtutuos ang Lady Maroons at Ilokandia squad sa tampok na duwelo sa ganap 4:00 ng hapon.

Ang magwawagi ay makakausad sa Final Four kasama ang naghihintay na Pocari Sweat, Bali Pure, at Philippine Air Force.

Magkakasubukan naman ang Pocari at Air Force sa ganap na 6:00 ng gabi, habang magtutuos ang Air Force at IEM sa Spiker’s Turf division sa unang laro sa 1:00 ng hapon.

Itataya ng Pocari ang malinis na 6-0 marka, habang magsisikap naman ang Air Force na pigilin ang tangkang sweep ng una sa elimination round .

Kumpiyansa ang Pocari Sweat na galing sa matikas na five-set win kontra sa Bali Pure na pinangunahan ni UAAP MVP Alyssa Valdez nitong Sabado. - Marivic Awitan