Obligadong kumuha ng sertipikasyon ang mga pharmacy assistant sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bago sila makapagtrabaho bilang pagtugon sa bagong patakaran ng gobyerno.

Sa text message, sinabi ni TESDA Director General Irene Isaac na obligado na ang mga pharmacy assistant na kumuha ng National Certificate (NC) III bilang pagtugon sa bagong panuntunan ng Department of Health (DoH) sa pharmacy industry.

Aniya, ito ay upang matiyak na kumuha ng kinauukulang pagsasanay ang mga pharmacy assistant hinggil sa kanilang trabaho.

Trabaho ng mga pharmacy assistant na tiyakin na tama ang pagkakatago ng mga gamot, pamamahagi at pagpapagamit sa mga pasyente.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sila ay karaniwang itinatalaga sa mga ospital, tindahan ng gamot, health and personal care store, retail o mail order pharmacy, nursing home at iba pang living facility.

Hinikayat ng TESDA chief ang pharmacy assistant na kumuha muna ng sertipikasyon sa kanilang ahensiya upang magkaroon ng mas magandang oportunidad upang makapagtrabaho. (Samuel P. Medenilla)