Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakakolekta ito ng mahigit P152 bilyon noong nakaraang buwan, o mas mataas ng P23.6 bilyon, o halos 19 na porsiyento, sa koleksiyon noong Mayo 2015.

Dahil dito, sinabi ni BIR Commissioner Kim S. Jacinto-Henares na umabot na sa P660 bilyon ang nakolektang internal revenue taxes sa unang limang buwan ng taong ito.

Aniya, ang koleksiyon simula Enero hanggang Mayo ay nasa P659.96 bilyon o nadagdagan ng 10.6 na porsiyento kumpara sa nakolekta sa kaparehong panahon noong 2015.

Puntirya ng BIR na makakolekta ng kabuuang P2 trilyon ngayong 2016. (Jun Ramirez)

'It's Showtime,' pinagbabalakan nang masama; bet makuha ng iba?