ALIAGA, Nueva Ecija - Hindi agad na nakauwi ang tatlong magkakapatid na dumalo sa court hearing sa Cabanatuan City tungkol sa kinahaharap nilang kaso ng ilegal na droga makaraan silang tambangan sa Carmen Road sa Barangay San Juan ng mga hindi nakilalang lalaki.

Kinilala ang Aliaga Police ang nasawi na si Armando Villaviza y Marcos, na binawian ng buhay bago pa madala sa pagamutan, habang nasugatan naman si Vergel Villaviza y Marcos, at kritikal si Arnold Villaviza y Marcos, pawang taga-Bgy. San Carlos, Aliaga.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Philip Santos, dakong 10:28 ng umaga at pauwi ang magkakapatid galing sa Regional Trial Court-Branch 25 sa Cabanatuan nang pagbabarilin ng mga suspek ang sinasakyan nilang Toyota Corolla (NGY-139) na minamaneho ni Vergel, sa Bgy. San Juan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?