SEVILLE, Spain (Reuters) – Ligtas na lumapag ang eroplano na solong pinagagana ng enerhiya ng araw sa Seville, Spain noong Huwebes matapos ang halos tatlong araw na pagtawid sa Atlantic mula New York sa isa sa pinakamahabang biyahe ng unang fuel-less flight sa buong mundo.

Lumapag ang single-seat Solar Impulse 2 dakong 7.30 a.m. oras sa Seville matapos umalis sa John F. Kennedy International Airport dakong 2.30 a.m. EDT noong Hunyo 20.

Ang biyahe na mahigit 71 oras ay ang 15th leg ng round-the-world journey ng eroplano na pinalilipad ng mga Swiss aviator na sina Bertrand Piccard at Andre Borschberg.

Sa cruising speed na 70 kilometro kada oras (43 miles per hour), katulad ng isang karaniwang kotse, ang eroplano ay mayroong mahigit 17,0000 solar cells na nakakabit sa pakpak nito na mas malapad kaysa pakpak ng Boeing 747.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina