klay copy

We’re still the best team —Thompson.

OAKLAND, California (AP) — Walang selebrasyon. Kanselado ang “ticker-tape parade”. Nababalot pa rin ng kalungkutan ang Bay Area na naunsiyami sa inihandang pagdiriwang para sana sa back-to-back championship ng Golden State Warriors.

Natigagal ang lahat nang mabigo ang Warriors na maidepensa ang korona sa serye na dominante nila sa unang apat na laro ng best-of-seven series. Nakabangon ang Cleveland Cavaliers mula sa 1-3 pagkakadapa para maitala ang kasaysayan sa NBA.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Maituturing “Greatest Comeback” ang nagawa ng Cavaliers. At hindi makakaiwas ang Warriors sa bansag na “Greatest Collapse”.

Anu’t ano man ang negatibong reaksiyon laban sa Warriors, taas-noo si Kyle Thompson at nanindigan ang kalahati ng pamosong “Splash Brothers” na sa kabila ng kabiguan, ang Warriors ay mananatiling “best team in the world”.

“It was very disappointing just because we know how good we are. We feel like we’re still the best team in the world. We let that slide. It hurts right now. I can’t tell you when the disappointment’s going to fade, but it will,” pahayag ni Thompson.

Kanya-kanya munang buhay ang Warriors para makapiling ang pamilya at makapagmuni-muni sa mga bagay na malaki ang kontribusyon sa humulagpos na pakikipagtipan sa tadhana.

Iginiit ni Thompson na sasamahan na lamang muna niya ang kapatid na si Trayce na miyembro ng Los Angeles Dodgers, habang nais pursigihin ni Draymond Green na makasama sa US Team para sa Rio Olympics.

Para kay Stephen Curry, madali niyang mauunawaan ang kaganapan sa piling ng kanyang pamilya at marinig sa kanyang anak na si Riley na bahagi ng buhay ang kabiguan.

Mistulang imortal ang Warriors sa makasaysayang 73-9 marka sa regular-season. Naipamalas nila ang kabagsikan nang habulin ang Oklahoma City Thunder mula sa 1-3 pagkadapa sa conference finals at makabalik sa Finals.

Abot-kamay ng Warriors ang bagong pahina sa kasaysayan nang makaungos sa Cavaliers, 3-1, ngunit, kabalintunaan ang sinapit ng defending champion.

Pero, walang dapat ikahiya ang Warriors.

“To sit and dwell on it, that’s not going to do anything for me,” sambit ni Green, hindi nakalaro sa Game Five dahil sa suspensyon.

“I’m not going to sit and throw a pity party for myself or my teammates or anybody else. We were a minute away from winning a championship. We had a 3-1 lead, we had all the opportunities in the world we needed. Got to take your hat off to them. They fought, they battled and they took the series. It’s nothing to sit around and cry about. It’s something that you learn from,” aniya.

Iginiit ni coach Steve Kerr, na bahagi ng buhay ang kabiguan at hindi ito dapat maging hadlang sa kanilang pagpupursige na muling magtagumpay.

“We’ve had so many moments of joy together, and it was like, ‘Wow, we’re actually having a moment of sorrow as a team,’” pahayag ni Kerr, tinanghal na Coach of the Year.

“It’s a great reminder that, first of all, it’s not easy to win a championship. But, as I said, it’s life. Things happen. You move on,” aniya.