HIWALAY na pala sina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Ito ang inamin ni Jodi sa interview sa kanya sa Tonight With Boy Abunda nang nag-guest ang aktres pagkatapos ng presscon ng pelikulang Achy Breaky Heart.

“No. We’re no longer together. But we are friends,” sagot ni Jodi kay Boy at hindi na nagbigay ng detalye kung kailan at kung bakit sila naghiwalay ni Jolo.

Sa Q&A sa presscon ng Achy Breaky Heart, hindi natanong si Jodi tungkol kay Jolo. Hindi nga naman bagay kung tatanungin siya tungkol doon habang katabi sina Richard Yap at Ian Veneracion na leading men niya sa Star Cinema movie na showing sa June 29.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa one-on-on interview niya binanggit na friends na lang sila ng ex-boyfriend.

Hindi kinakitaan ng lungkot si Jodi na “single” ang status niya ngayon. Nakipagsabayan pa nga sa kakulitan nina Richard at Ian sa presscon.

“Excited ako na makasama ang dalawa na naging leading men ko. One of my dreams na makasama silang dalawa and thank you Star Cinema for the movie,” wika ni Jodi.

Ang management ng Star Cinema ang nakaisip na pagsama-samahin sina Jodi, Richard at Ian sa rom-com movie sa direction ni Antoinette Jadaone. Dahil ito sa clamor ng kani-kanilang tambalan na nabuo sa Be Careful With My Heart at sa Pangako Sa ‘Yo na gusto silang makita na magkakasama in one project. (Nitz Miralles)