SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija - Pinaniniwalaang natuldukan na ng pulisya ang pagnanakaw sa mga sasakyan makaraang masakote ang isang 52-anyos na lalaki na umano’y isang kilabot na carnapper at matagal nang tinutugis ng police tracker team hanggang sa matunton sa pinagtataguan nito sa Bayuga Street sa Barangay Poblacion sa lungsod na ito.

Nasukol ng tracker team si Marino Madayag y Valera, may asawa, residente ng Purok Villa Pinili sa Bgy. Bantug, sa bisa ng arrest warrant para sa kasong carnapping.

Nangunguna si Madayag sa listahan para sa Oplan: Lambat-Sibat Phase 1 ng pulisya simula pa noong Hulyo 24, 2014.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?