JAKARTA, Indonesia (AP) – Sinabi ng Indonesia na patuloy itong magpapatupad ng hakbanging “decisive” laban sa mga dayuhang barko na ilegal na kumikilos sa karagatan nito matapos na batikusin ng China ang Indonesian Navy sa pamamaril sa mga barkong pangisda ng Beijing.
Kinumpirma kahapon ni Indonesian Navy spokesman First Admiral Edi Sucipto na nagpakawala ng warning shots ang isang Indonesian warship sa mga barkong pangisda ng China sa Natuna islands ng Indonesia nitong Biyernes, at idinetine ang isa sa mga barko at pitong tripulante nito.
“We will not hesitate to take decisive action against foreign ships, whatever their flag and nationality, when they commit violations in Indonesian territory,” ani Sucipto.