ZAMBOANGA CITY – Itinanggi ng Department of Education (DepEd), Division of City Schools sa siyudad na ito, ang napaulat na daan-daang bata na nakatira sa mga transitory site ang pinagbawalang pumasok sa klase ngayong school year, matapos na mabigo ang pamahalaang lungsod na maisumite sa kagawaran ang school records ng mga ito.

Sinabi ni Zamboanga City Division of City Schools Dr. Basilio Uy na hindi kailanman pipigilan ng DepEd ang pagpasok sa paaralan ng mga estudyante.

Ayon sa report, “hundreds of displaced children living in shelters in Zamboanga City were barred from attending school after the city government failed to forward their school records to the Department of Education”.

Inihayag ng advocacy group na Human Rights Watch, na nakabase sa Amerika, na ang mga nasabing bata ay nagmula sa mga pamilyang lumikas sa kasagsagan ng paglalaban ng militar at ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) noong Setyembre 2013.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Gayunman, inamin ni Uy na naantala ang pagbubukas ng composite school sa Masepla Annex Elementary School dahil sinusuri at bina-validate pa ng DepEd, sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang mga school record ng mga batang pansamantalang tumutuloy sa tatlong transitory site sa Barangay Mampang.

Ito, aniya, ay upang matukoy ang eksaktong bilang ng mga guro at mga pasilidad at silid-aralan na kailangan ng bawat eskuwelahan.

Katwiran naman ni Uy, hindi maaapektuhan ang pag-aaral ng mga bata kahit pa maantala ang pagbubukas ng klase sa Masepla Annex Elementary School dahil magpapatupad sila ng adjustment sa mga araw ng pasok ng mga bata.

(Nonoy E. Lacson)