Nababahala ang isang grupo ng kabataan sa posibleng pagpapalawak sa “Oplan RODY” o Rid the Streets of Drunkards and Youth sa mga lalawigan, na unang sinimulang ipatupad sa Metro Manila laban sa kriminalidad.

Nanawagan ang Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) sa mga lokal na opisyal na ipatigil muna ang implementasyon ng Oplan RODY at unahin ang mas malalaking programa, tulad ng Kto12 program ng Department of Education (DepEd), upang makatulong sa kabataan.

Ayon sa ulat, mahigpit na ipinaiiral ngayon ang Oplan RODY sa mga lungsod ng Quezon, Las Piñas, Maynila, Pasay, Caloocan, Malabon, Mandaluyong at Makati, bagamat sa Hunyo 30 pa ang simula ng panunungkulan ni incoming President Rodrigo Duterte.

Ikinasa na rin ng mga siyudad ng Bacoor sa Cavite at Lipa sa Batangas ang mga ordinansang nagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Bukod dito, nais din ng mga opisyal ng pulisya sa Mandaue City sa Cebu na ipatupad ang curfew ordinance na pinagtibay noon pang 1999.

Nagpahiwatig din ang alkalde ng Baguio City ng kanyang suporta sa Oplan RODY.

“On one side, we admit that local government units have the responsibility to curb petty crime and vice but then again it counteracts other programs that the national government has implemented only recently,” sabi ni Joanne Lim, miyembro ng SPARK National Secretariat.

Kinondena ng Diliman-based activist ang mga alkalde at awtoridad dahil sa kawalang pakialam at pangkalahatang pagpapatupad sa kanilang ordinansang “Jurassic” para sa hakbanging pagandahin o pabanguhin ang administrasyong Duterte nang hindi man lang isinaalang-alang ang araw-araw na kalbaryo sa pagko-commute at pagtatrabaho ng mga estudyante. (Bella Gamotea)