BORACAY ISLAND – Ipinagmamalaki ng isang 29-anyos na bading ang pagkakaroon ng katuparan ng pangarap niyang magkaanak, at ngayon ay mag-isa niyang binubuhay ang dalawa niyang supling.

Ayon kay Raffy Cooper, isang marketing officer, sa kabila ng kanyang pagiging bading ay pinangarap niya noon pa ang magkaroon ng sarili niyang anak.

Dahil dito, kinausap niya tungkol dito ang isang babaeng kanyang natipuhan at nagpakasal sila.

Nagbunga ang kanilang pagmamahalan, at biniyayaan sila ng dalawang anak: lalaki at pitong taong gulang na ngayon ang kanyang panganay, habang limang taong gulang na babae naman ang kanyang bunso.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nitong nakalipas na taon lang ay nakahiwalay ni Cooper ang kanyang misis, na ngayon ay nasa Maynila na.

Sa kasalukuyan, mag-isang binubuhay at inaalagaan ni Cooper ang dalawa niyang anak. (Jun N. Aguirre)