KILALANIN ang mga karakter sa pinakabagong animated series na hatid ng GMA Network na pinamagatang Tobot.

Sa Korean animated series na ito, dadakpin ang imbentor na si Dr. Franklin Char at maiiwan sa pangangalaga ng mga inimbento niyang robots ang anak na si Ryan at Kory. Ang mga robot na ito ay mga kotseng nag-iiba ng anyo at magsisilbing proteksiyon nina Ryan at Kory laban sa masasamang tao.

Samahan sila sa kanilang pakikipagsapalaran tuwing Linggo, 7:50 ng umaga simula Hunyo 19 sa Astig Authority ng GMA-7.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer