“Isa pa rin kong ordinaryong mamamayan.”

Ito ang pahayag ni Vice President-elect Leni Robredo nang alukin ng isang opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maupo at mapagsilbihan sa VIP lounge ng NAIA Terminal 1 kahapon.

Dumating si Robredo at ang kanyang mga anak na sina Aika, Trisha at Jilian, sa NAIA Terminal 1 dakong 9:00 ng umaga para sumakay ng China Airlines flight CI 702 patungong Taiwan, na lumipad dakong 10:30 ng umaga.

Sa halip na dumaan sa VIP lane, nagtiyaga ang mag-iinang Robredo na pumila sa immigration counter, ayon sa mga airport official.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“Ma’am you can use the VIP room while waiting for your flight and have some coffee together with your daughters,” alok ng opisyal ng NAIA sa bagong halal na bise presidente.

“It’s okay and thanks a lot,” tugon naman ni Robredo.

Pinagkaguluhan din si Robredo ng mga airport at airline employee na nakipag-selfie sa kanya habang hinihintay ng mag-iina ang kanilang flight. (Ariel Fernandez)