Naisalba ng San Beda Red Cubs ang matikas na pakikihamok ng Adamson Baby Falcons sa krusyal na sandali para maitakas ang 84-76 panalo at angkinin ang kampeonato sa junior class ng 2016 Fil-Oil Flying V Preseason Tournament kahapon sa San Juan Arena.

Ratsada si Prince Etrata sa naiskor na 24 puntos, kabilang ang krusyal na free throw para makaalpas ang Red Cubs mula sa paghahabol ng Baby Falcons at makopo ang gold medal na nakataya sa torneo.

Tangan ng Baby Falcons ang apat na puntos na bentahe papasok sa final period, ngunit humataw ang Red Cubs sa mainit na 20-8 run para itarak ang 72-64 bentahe sa huling tatlong minuto ng laro.

Nakaganti ang Adamson, sa pangunguna ni EJ Agbong para maidikit ang iskor sa 74-76 may 1:41 sa laro. May pagkakataon ang Adamson na maagaw ng bentahe nang maiwan ng depensa si John Antiporda, subalit sumablay ito sa kanyang three-point shot.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Hataw din si tournament MVP Sam Abuhijleh sa naiskor na 15 puntos at 11 rebound para sa San Beda.

Nakamit naman ng Nazareth School of National University ang ikatlong puwesto nang pabagsakin ang Far Eastern U Baby Tamaraws, 86-67.

Iskor:

(Unang laro)

NU (86) – Atienza 13, Clemente 8, Sangco 8, Sarip 8, Penano 6, Manalang 6, Coyoca 6, Mosqueda 6, Tolentino 6, Amsali 4, Careng 3, Callejo 3, Beldua 3, Malonzo 2, Fortea 2, Javillonar 2, Jugar 0

Adamson (67) – Abarrientos 15, Celzo 13, Bieren 8, Alforque Ro 8, Roman 8, Villareal 6, Boc 4, Alforque Re 4, Baclay 1

Quarterscores: 29-12, 41-30, 65-47, 86-67

(Ikalawang laro)

San Beda (84) – Etrata 24, Abuhijleh 15, Nelle 15, Tagala 9, Obenza 8, Lagumen 6, Mahinay 3, Velasquez 2, Nayve 2

Adamson (76) – Antiporda 18, Celis 17, Abadiano 16, Natividad 8, Agbong 7, Sabandal 5, Desoyo 3, Umayao 2, Asuncion 0, Tamayo 0, Sumoda 0

Quarterscores: 19-14, 40-27, 52-56, 84-76