Nangangamba si Justice Secretary Emmanuel Caparas na posibleng buweltahan ng United Nations (UN) ang Pilipinas kapag ibinalik ng administrasyong Duterte ang parusang kamatayan.

Dahil dito, hinikayat ni Caparas si President-elect Rodrigo Duterte na rebisahing mabuti ang isyu bago isulong ang pagbabalik ng death penalty sa bansa.

“We do have international obligations, we do have commitments. And these obligations and commitments have to be reviewed as well because that will have an impact on us,” pahayag ni Caparas.

Pinaalalahanan din Free Legal Assistance Group (FLAG) chairman Jose Manuel Diokno, humang rights lawyer, ang susunod na administrasyon na saklaw ang Pilipinas ng Second Optional Protocol sa International Covenant on Civil and Political Rights na nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas noong Setyembre 20, 2006 at niratipikahan noong Nobyembre 20, 2007.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakasaad sa Article 1 ng Second Optional Protocol na: “No one within the jurisdiction of a State Party to the present Protocol shall be executed.”

Nabanggit din sa naturang artikulo na, “Gagawa ng hakbang ang State Party upang maalis ang death penalty sa nasasakupan nito.”

At kung mabibigo ang bansa na tuparin ang nakasaad sa kasunduan, sinabi ni Caparas na posibleng magpatupad ng sanction ang international community sa ipinagkakaloob nilang tulong at iba pa aspeto ng diplomatic relations.

“Hindi ganoong kasimple ito. Dapat itong pag-aralan,” giit ni Diokno.

Ito ay sa kabila ng pagbuhos ng suporta ng mga mambabatas sa plano ni Duterte na buhayin ang parusang kamatayan sa bansa bilang epektibong solusyon laban sa kriminalidad, lalo na sa droga. (JEFFREY G. DAMICOG)