Kiray (PLEASE CROP THE TEXT) copy copy

HABANG on-going ang grand presscon ng I Love You To Death nina Enchong Dee at Kiray Celis (Regal Entertainment, directed by Miko Livelo), nabanggit sa amin ni Manay Ethel Ramos na makakatapat nito sa Hulyo 6 ang pelikula ni Jaclyn Jose na Ma’Rosa na nagpanalo ng Best Actress sa kanya sa katatapos na 69th Cannes Film Festival.

Kaya pagkatapos ng Q and A, natanong si Kiray kung ano ang pakiramdam niya na makakatapat niya ang first Pinay na naging best actress sa Cannes Film Festival at ano ang laban ng I Love You To Death sa box-office.

 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Feeling ko naman, mananalo rin kami, eh. ‘Canned goods’ nga lang, hindi Cannes!” tumatawang sagot ng komedyana.

 

“Alam mo, hindi ko iniisip na makalaban siya (Jaclyn). Mas iniisip ko ‘yung makakalaban namin na Hollywood (movies).

Kasi, ano ba naman laban ko sa nanalo sa Cannes? At saka kapwa Pilipino ko ‘yon, eh. Mas ‘pinaglalaban ko ‘yung pelikulang Pilipino kesa sa pelikula ng mga dayuhan. Alam mo ‘yon? Mas dapat panoorin natin ‘yung gawa natin kesa gawa ng ibang tao. Kahit nga ako minsan, mas pipiliin kong manood ng Hollywood, di ba?

“Kasi, wala nang trust ‘yung mga tao ngayon sa gawa natin, eh. At saka kinaya ko nga ‘yung Deadpool, eh. ‘Yun ang nakatapat ng Love is Blind. So, feeling ko kaya naman... Hindi ko siya tini-take as kalaban. Kasi iba naman ang genre namin.

 

“Hindi ako takot sa kapwa ko Tagalog (pelikula), kasi kakampi ko sila. Hindi ko sila kalaban. Sana maraming manood ng Filipino films dahil magkakakampi kami. Ang kalaban namin, foreign films,” paliwanag ng bulilit na aktres.

At kung Cannes best actress si Jaclyn, siya naman ay, “Canned Goods Best Actress! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Samantala, inamin ni Kiray na bagamat horror-comedy ang I Love You to Death ay marami raw silang kissing scenes ni Enchong Dee at dahil ilang beses kinukunan ay talagang napaiyak siya sa set.

 

“Sino ba namang artista ang may gusto ng pangalawang take kung hindi ka naman nagba-buckle at maayos naman ang ginawa mo? Kasi sa first take pa lang, ‘bibigay mo na ’yung best mo, ’di ba? So, ayaw mo na ng paulit-ulit. First time ko ever sa lahat ng eksena ko at sa mga kissing scene, first time ko na paulit-ulit. At naiyak ako sa inis sa sarili ko.

“Kasi nga, ayoko na ng paulit-ulit ‘tapos palubog ’yung araw ‘tapos nagagalit na ako sa sarili ko kasi parang tsini-cheer na nila ako, ‘sige na, galingan mo na, bigay mo na ’yung best mo, halikan mo na si Enchong, buka mo na ’yung bibig mo.’

“Ako naman, parang nanggigigil na ako sa sarili ko kasi ayoko talagang bumuka,” katwiran ni Kiray.

Ang paliwanag ni Direk Miko kay Kiray, hindi raw nito nararamdaman ang halik ng aktres kasi nga hindi ibinubuka ang bibig.

“Kasi nga, alam ko sa susunod na movie, baka ‘dila na ang kailangan namin, Kiray,’ kasi alam ko ’pag binigay ko rito, grabe na sa susunod,” pangangatwiran ng komedyana.

Sabagay sa Love Is Blind presscon ni Kiray ay inamin niyang nahirapan siya sa kissing scene dahil nga first time niya at nagulat siya dahil ibinuka ni Derek

Ramsay ang bibig nito.

Kaya natanong si Kiray kung ano ang pagkakaiba ng halik nina Derek at Enchong.

“Kasi si Derek, in-open lang niya ’yung mouth niya. Si Enchong, dalawang beses, tatlong beses, kaya sabi ko, ‘uy,’ napaatras talaga ako sa unang kiss, sabi ko, ‘ba’t ganun?’

“Sabi niya, ‘ganyan talaga.’ Hindi ko lang masabi na hindi naman ginawa sa akin ’yan dati. Si Enchong kasi, kinain niya ’yung lower lip ‘tapos um-upper lip pa, sabi ko, ‘ay, ano ’to?’”seryosong kuwento ng aktres.

Kaya raw nagulat si Kiray ay dahil ‘kuya’ ang turing niya kay Enchong na dati niyang kasama sa programang Shout Out sa ABS-CBN noong 2011.

Kaya ang katwiran niya sa kissing scene nila ng aktor, “’Yung feeling na ’yung kuya mo dati, ngayon hinahalikan mo na, ’yung kuya mo na sini-share-an mo ng pagkain, ngayon ka-share mo na ng laway, ’yung kuya na sinasabihan mo ng ‘po,’ ngayon, ‘po’ pa rin naman pero pumapatong na sa ’yo.”

Samantala, kakaiba naman ang aura ni Kiray sa presscon na naka-black lipstick na payo raw ni Fanny Serrano na ibahin ang make-up niya.

Kasama nina Kiray at Enchong sa cast sina Betong Sumaya, Devon Seron, Michelle Vito, Trina Legaspi, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Christian Bables, at Ms. Janice de Belen. (REGGEE BONOAN)