Pinatay sa saksak ng kanyang katrabaho ang isang lalaking caretaker sa poultry farm makaraang magselos ang una dahil sa pagiging malapit ng biktima sa kanyang nobya sa Barangay Conel, General Santos City, South Cotabato, kahapon.

Natagpuang patay sa loob ng isang kubo si Ronelo Dela Cruz, nagdiwang ng ika-33 kaarawan nitong Huwebes, na sinasabing pinagsasaksak ni Jeffrey Verano.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng General Santos City Police Office (GSCPO), pinasok ni Verano si Dela Cruz sa tinutulugan nitong kubo at pinagsasaksak sa leeg at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Natukoy sa imbestigasyon na selos ang dahilan ng pagpatay umano ni Verano sa biktima dahil pinagselosan umano ng suspek ang pagiging malapit ng biktima sa nobya niyang si Rose.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa pulisya, dakong 4:00 ng umaga kahapon ay nakita pa sina Verano at Rose na nagmamadaling umalis ilang oras bago natagpuan ang bangkay ng biktima. (Fer Taboy)