LAHORE (AFP) – Sinunog nang buhay ng isang inang Pakistani noong Miyerkules ang kanyang 16-anyos na anak na babae dahil sa pagpapakasal nito sa lalaki na kanyang pinili, bago sumigaw sa mga kapitbahay sa kalsada na pinatay niya ang dalagita dahil sa pagbigay ng kahihiyan sa kanilang pamilya.

Ito ang ikatlo sa tinawag na “honour killing” sa bansa sa South Asia sa loob ng maraming buwan.

Si Zeenat Bibi, 16, ay sinunog ng kanyang inang si Perveen Bibi sa silangang lungsod ng Lahore halos isang linggo matapos makuha ng mag-asawa ang kanilang marriage licence.

Ayon sa pulisya, nagpakasal ang dalagita sa kasintahang si Hasan Khan noong Mayo 29. Si Khan ay lahing Pashtun, habang si Zeenat ay Punjabi kaya’t tutol ang pamilya ng dalagita sa kanilang relasyon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina