TALAVERA, Nueva Ecija – Labis ang pagtitiwala ng isang 33-anyos na negosyanteng Indian kaya naman hindi niya inakalang bigla na lang mawawala ang kanyang motorsiklo na ipinarada niya sa tapat ng inuupahan niyang apartment sa Purok Ilang-Ilang, Barangay Pulong San Miguel, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Talavera Police ang biktimang si Amit Kunar, residente sa nasabing lugar, na nawalan ng Suzuki Smash (BD-47588).

Sa imbestigasyon ni PO3 Marvin Verde, dakong 5:30 ng umaga nitong Hunyo 8 nang mawala ang motorsiklo ni ipinarada ni Kunar sa tapat ng apartment ni Julieta Manahan sa nasabing purok. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog