SINIMULAN na ng bagong hirang na presidential adviser sa Visayas, si Michael Dino, na ayusin ang tinaguriang Malacañang of the South para sa kanyang gagampanang tungkulin sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kakaiba ang napiling gusali, na magugunitang pinasinayaan ni dating Pangulong Gloria Arroyo, dahil makasaysayan ang disenyo at lumang tanggapan ng Customs sa lalawigan ng Cebu. Mula sa Cebu City Hall, halos limang minutong paglalakad lang ang layo nito sa bandang pier. Sa kasalukuyan, inaayos na ni Dino ang kanyang opisina na sa aking pagkakatunog, magkakaroon ng tinaguriang Regional Coordinators at Provincial Assistants upang tulungan ang bagong administrasyon sa mga suliranin sa Visayas.

Sa kabilang banda, siento-por-siento na sinasang-ayunan ko ang paglalagi ni Pangulong Duterte sa Davao! Kasabay nito ang pagtatayo na rin ng Malacañang sa Mindanao.

Hindi nga naman talaga mahalaga na mamasukan ang Presidente sa Palasyo ng Manila.

Kung saan naisin magtrabaho ng “ama ng bansa”, natural, doon din ang Malakanyang. Kung mas gamay at epektibo magpatakbo ng gobyerno si “Digong” sa Davao, ay dapat galangin. Maaaring ang kanyang mga kalihim ang bumiyahe sa Davao tuwing may Cabinet meeting.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

May Skype at Viber na maaaring gamitin ng Pangulo kung kinakailangan makausap at makaharap ang sino mang opisyal kung dapat. Dahilan na puwersahin ang mga Telecom companies na paunlarin ang kanilang Internet service. Sobra na ang kanilang pang-aabuso at “kita” sa ga-pagong na serbisyo.

Hindi ko pinapayo na uwian si Duterte araw-araw mula Manila. Sa edad na 71 at dahil na rin sa seguridad, iwasan na lang niya ito. Mas mainam pa na lilipad lang siya ng Manila kung kinakailangan. Halimbawa, tuwing Rizal Day, Bataan Day, at iba pa. Sa hirap ba naman ng trapiko sa Manila at lumalalang usok, doon na lang siya sa Davao.

Puwede pa siya mag-Cebu upang magbigay ng bagong pansin–reporma–sa kaugalian ng burukrasya na nakatengga sa NCR.

Makahulugan ang pananatili ni Duterte sa Davao at Cebu–na may mas malawak na taong-bayan sa lalawigan at kanayunan na naghihintay ng agarang kalinga at serbisyo! (Erik Espina)