Ilulunsad ng ALA Promotions International ang pagbabalik ng Idol Boxing TV series na naglalayong mapaunlad ang antas ng boxing sa grassroots sa St. Mark’s Hotel, Cebu City.

Ayon kay ALA Executive Director for Operations Jeana Alvarez, tatlong Idol show ang nakatakdang ipalabas ngayong taon (Hulyo 16, Oktubre 1 at Disyembre 3). Mapapanood ito sa ABS-CBN’s Action Sports Studio 23 kung saan hahatiin ang laban sa tig-dalawang episode.

Unang tinawag ang Idol na “Idol 1 Philippines vs Indonesia” noong Agosto 24, 2013 sa Big Square Arena sa Escalante, Negros Occidental kung saan itinampok ang sagupaan nina Melvin Gumban at John Bajawa, gayundin nina Mark Bernaldez at Marangin Marbun.

Gayunman, pansamantalang naisantabi ang proyekto dahil nakatuon ang pansin ng ALA Promotions sa matagumpay na Pinoy Pride series.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nakatakdang gawin ang July 16 card na tinawag namang Idol 2 sa Mandaue City Sports and Cultural Complex at ibabandera ito ng knockout artist na si Jeo Santisima at undefeated Melvin Jerusalem.

Naktakda ring lumabas sa mga susunod na episode ang dating amateur standout at ni undefeated pro na si Kevin Jake Cataraja, WBO No. 9 ranked Super Bantamweight Jimmy Paypa, at international campaigner Jonas Sultan.

“Dati nang lumalaban ang ilang mga boxer namin sa Pinoy Pride series pero iyong mga undercard doon puwede nang maging headliner sa smaller cards na gaya ng Santisima vs Demecillo at Jerusalem vs Condes fights kasi mas bagay ito sa grassroots crowd,” paliwanag ni ALA Gym manager at matchmaker Edito Villamor sa PhilBoxing.com. (Gilbert Espena)