Tatampukan ni Gilas Pilipinas center Andray Blatche bilang guest of honor ang ratsadahan sa 1st SBP 3x3 Pambansang Tatluhan ngayon, sa SM Mall of Asia Music Hall.

May kabuuang 32 koponan mula sa 16 na rehiyon sa bansa ang magtutuos para sa kampeonato sa programa na isinusulong ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan.

“This should be a big thing for the kids, especially those who will have their first experience of travelling via airplane and setting foot in Manila,” sambit ni SBP executive director Sonny Barrios.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Plus they will be able to play and have time to enjoy at the largest mall in Asia.”

Magsisimula ang programa sa 11:00 ng umaga.

Ang kompetisyon ay pangangasiwaan nina FIBA Game Commissioner Hector Villanueva at SBP 3x3 tournament director Bernie Atienza.