Rick copy

PAGKARAAN ng 30 taon simulang manguna sa charts noong 21 taong gulang sa pamamagitan ng hit single na Never Gonna Give You Up, muling nagbabalik ang British singer na si Rick Astley at magkakaroon siya ng studio album makalipas ang mahigit isang dekada.

“When I was a kid, being 50 was pipe and slippers time, it’s kind of like you’re done, you’re going to be retiring … And I think that’s completely different now,” pahayag ni Astley sa Reuters.

“It’s something to be celebrated or at least to be acknowledged … Also I thought it would be funny ’cause Adele has called her albums ’19′, ’21′ and ’25′ so I thought… I’ll take ’50′.”

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Sinabi noon ni Astley, na nakabenta na ng mahigit 40 milyong record, na pagsapit ng 1993 ay magreretiro na siya sa industriya, sa edad na 27. Gayunman, siya ay naglabas pa ng mga awitin noong 2000, kabilang na ang Portrait album noong 2005 at sinabing kinumbinsi siya ng kanyang mga tagahanga na maglabas ng panibagong album. (Reuters)