BEIJING (Reuters) – Sinabi ng China noong Miyerkules na binabalewala ng Pilipinas ang panukala nitong regular talks mechanism kaugnay sa mga isyu sa karagatan, at muling idiniin na bukas ito bilateral talks sa Manila kaugnay sa South China Sea.
Sa isang pahayag na inilabas kapwa sa Chinese at English, sinabi ng Foreign Ministry ng China na nagkasundo ang dalawang bansa noong 1995 na ayusin ang mga sigalot sa South China Sea “in a peaceful and friendly manner through consultations on the basis of equity and mutual respect”.
“China has on a number of occasions proposed with the Philippines the establishment of a China-Philippines regular consultation mechanism on maritime issues; however, to date, there has never been any response from the Philippine side,” diin ng China.
Tumangging magkomento ang Foreign Ministry ng Pilipinas.