LIPA CITY, Batangas – Namatay ang isang lalaki matapos mabaril ng mga awtoridad dahil sa pagpaputok nito ng baril sa Lipa City, Batangas nitong Lunes.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 12:30 ng madaling araw, nagsasagawa ng buy-bust operation ang grupo ni Inspector Richard De Guzman sa Barangay Lodlod nang may dumaang motorsiklo at nagpaputok ng baril ang nakaangkas dito.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nasapol ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Glenn, umano’y taga-Cavite, nakasuot ng itim na six pocket short at puting T-shirt.

Nakatakas naman ang driver ng motorsiklo patungo sa direksiyon ng Barangay Bolbok.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober ng pulisya ng isang cal.45 na baril at mga bala, isang supot na may lamang 9 na sachet ng shabu at isang cellphone. (Lyka Manalo)